Basahin ang Mateo14:22-32 “Lumakad
si Hesus sa ibabaw ng tubig.
Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
22 Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo. Samantala, pinauwi naman niya ang mga tao. 23 Matapos niyang paalisin ang mga ito, mag-isa siyang umakyat sa bundok upang manalangin. Nag-iisa siyang inabutan doon ng gabi. 24 Samantala, ang bangka ay nasa laot na ngunit sinasalpok ito ng mga alon dahil pasalungat ito sa hangin. 25 Nang madaling-araw na'y sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. 26 Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo!” sigaw nila. 27 Ngunit nagsalita agad si Jesus at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, ako ito!”
28 Sinabi ni Pedro, “Panginoon, kung talagang ikaw nga iyan, papuntahin mo ako diyan sa kinaroroonan mo sa ibabaw ng tubig.”
29 Sumagot siya, “Halika.”
Mula sa bangka ay lumakad si Pedro sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. 30 Ngunit nang mapansin niya na malakas ang hangin,[a] siya'y natakot at nagsimulang lumubog. “Panginoon, sagipin ninyo ako!” sigaw niya.
31 Agad siyang hinawakan ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi niya kay Pedro.
32 Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin 33 at sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.
·
Tanong: Ano ang higit na kabalisahan o
kinatatakutan mo ngayong panahon ng pandemya?
·
Takot na mahawa sa sakit?
·
Takot lumabas ng bahay.
·
Nawalan ako ng trabaho o nabawasan ang araw ng
pasok. Paano na ngayon ang aming pangangailangan sa mga susunod na araw?
·
Takot na maubusan ng pera.
·
Marami pang ibang takot.
Noong regular pa tayo nagkakaroon ng bible study and Sunday
services, madalas natin nababanggit na “Mayroon akong pananampalataya at tiwala
sa Diyos.” Eh paano naman kung pahintulutan ng Diyos na maranasan natin ang
ganitong sitwasyon? (Covid-19 Pandemic).
Maraming tinuturo sa atin ang Diyos sa ganitong sitwasyon at
maaaring masubok ang ating pananampalataya sa Kanya.
Ano ang ating matututunan?
1.
Alam ng Panginoong Hesus ang ating mga takot at
kabalisahan.
Maaaring sinubok ng Panginoong
Hesus ang mga alagad kaya pinauna Niya ang mga ito sa kabilang ibayo. Siya
naman ay umakyat ng bundok upang manalangin. Ganito din tayo ngayon, na
dumadaan sa napakalaking pagsubok ng ating buhay. Walang exempted. Lahat tayo
ngayon may pinagdadaanan. Napakahalaga ng Panalangin.
2.
Sa panahon ng Takot at Kabalisahan, Madalas
hindi natin nakikita ang Diyos at mas nananaig ang nararanasan na takot.
Kagaya ng mga alagad, noong dumaan
sila sa salpok ng alon at malakas na hangin sila ay nabalisa. (Sino ba naman
ang di matatakot sa ganung sitwasyon.) Naroon na ang Panginoong Hesus na
naglalakad sa ibabaw ng tubig, ngunit sa halip na Diyos ang Makita nila,
napagkamalan pa nilang Multo.
Ano mang higit na kinatatakutan
natin, yun ang mga multo sa ating buhay.
3.
Ang Takot at Pagaalinlangan ay Magiging dahilan
lamang ng ating patuloy na paglubog.
Kung iisipin, nakalakad naman si
Pedro sa ibabaw ng tubig, ngunit nang mapansin niya ang malakas na hangin,
natakot siya at nagsimulang lumubog. Nagkaroon siya ng pag aalinlangan.
4.
Ang Diyos ay lagging handang tumulong sa atin at
kayang kaya Niya patigilin anumang bagyo ng buhay natin.
Nang humingi ng tulong si Pedro sa Panginoong Hesus, agad siyang sinagip,
muli siyang nakasakay sa bangka. At tumigil ang malakas na hangin.
Patuloy tayong magtiwala sa kayang gawin ng Diyos sa ating buhay. Anuman
ang mga susunod na mangyayari Ipagkatiwala natin ng buong buo sa kanya. Ingatan
din natin ang ating mga sarili.
Sa
Diyos ang papuri at pasasalamat!